Mga activities ko sa bahay since wala na akong job:
1. Matulog - sleep all i can na ako. kung dati ay panakaw-nakaw lang ako sa oras para matulog ngayon, i can sleep all day.
2. Maglaba - naipon na pala ang laundry ko and sobrang gabundok na. di na nga kasya sa hamper ko. may spill over na sa floor. at dahil nga wala akong work kaylangan tipirin ang aking remaining money. naglalaba na ako ngayon.
3. magbasa ng novel - naluluha ako sa kababasa ng novel sa iba't ibang kadahilanan. minsan dahil sa sobrang tuwa sa binabasa, sa kakatawa, minsan din naman dahil sa kalungkutan lalo na kung nakakarelate ako sa binabasa ko.
4. magluto - for the first time in my whole stay in my current boarding house.. 1st time kong magluto ng meal for all. hehe. and to think na i've been there for almost 9 months now.
5. teleserye sa tv - nahook na ako sa teleserye sa gma dahil walang abs-cbn sa tv namin gaya nalang ng anghelita and impostora. kahit na sobrang naiinis din ako dahil sa stupidity ng characters minsan, nahook pa din ako. as a matter of fact, crush na crush ko na nga si alfred vargas. hehe. Love him nga siguro e. hehe.
6. makinig ng fm sa radio - yes fm! yeskalera! haha. alam ko na top songs and artists ngayon like songs of yasmin kurdi, toni gonzaga, kim chu, bamboo, rachelle ann go, tapos ung charing... hehe..
nakakainis pa ung ulan, dami kong kailangan asikasuhin para naman magkapera ako kaso laging bumubuhos ang malakas na ulan na nagiging sanhi ng pagkaudlot ng aking mga plano. ayoko kasing lumabas pag umuulan dahil nababasa ang aking mga paa.
at isa pa'y, wala na akong damit na maisuot nang dahil din sa ulan. nasabi ko ng naglaba ako ng damit nung lunes kaso hanggang ngayon ay di pa rin natutuyo dahil nga din sa ulan.
kaya ito ako ngayon, tambay sa bahay at nag-aantay ng grasya. hehe