Kasawian sa Puso
Posted by cltempla at 04:46 AM on April 29, 2009.
Ayokong maging affected pero sa ngayon ganun nga ang nangyayari kahit di ko man aminin. Alam ko namang wala naman patutunguhan to pero gusto ko lang maging masaya habang andito ako sa bansang ito. Sa umpisa di ko inasahang magiging ganito ang lahat. Pinilit kong maging tapat sa bf ko ngunit sadyang may mga bagay lang sigurong kahit ipilit mo ay di talaga mangyayari.
Masaya at malungkot din ang setup na ganito. Masaya dahil nakakagaan ng trabaho pag alam mong kasama mo sya sa work. Makakakwentuhan o kahit kaasaran. Masaya din ako sa pakiramdam na may "inaalagaan". Sabi nga dati ng mga kaibigan ko "motherly instinct". hehe. Masarap ang pakiramdam na you take care of somebody and somebody's taking care of you in return.
Malungkot at masakit ang pakiramdam na nahulog ka na sa taong sa una pa lang ay sinabihan ka ng wag kang mahulog sa kanya ngunit dahil sa di maiwasang pagkakataon ay nahulog ka pa rin sa kanya kahit anumang pigil mo sa nararamdaman mo. Wala ka nang magagawa dahil ang tinitibok ng puso mo ay siya at wala ng iba. At sa araw-araw na kasama mo sya ay dinadalangin mong ganun din sya sa iyo. Na sa bawat pagkakataong magkasama kayo gusto mong sabihin sa kanya na mahal mo siya ngunit andun yung takot na baka mag-iba na ang pakikitungo nya sa iyo oras na sinabi mo sa kanya ang mga katagang iyon. Alam mong masakit at gusto mong umiyak ngunit tila ata unan lang ang sasksi sa mga luhang iyon. Panu ba naman at wala kang magagawa dahil sa umpisa pa lang ay alam mo ng may mahal syang iba at wala ng hihigit pa sa pagmamahal nya sa babaeng iyon. Nasabi ko tuloy sa loob-loob ko na napakaswerte ng babaeng iyon at sanay marealize nya ito.
Sa konting oras na natitira dito sa jacksonville, pipilitin kong maging masaya at wag na munang isipin ang bukas. Pero dinadalangin ko din na sana ay bigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang aking tunay na nararamdaman.
7 reacted
aking (guest)

cltempla

baboysai

and wtf, ot. Tagalog. hirap basahin.
cltempla

hay tawon la pa jud nako naingon niya.. waahh! musta na ot?
baboysai

cltempla

subtlebliss
